Kaya FC wagi vs Maharlika sa Copa Paulino Alcantara

Originally published by Remate Online


MANILA, Philippines – Maganda ang simula ng Kaya FC sa title defense bid nito matapos talunin ang Maharlika Manila FC sa isang one-goal game sa opening day ng 2022 Copa Paulino Alcantara sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.


Sumandal ang mga kampeon sa nag-iisang goal mula sa Japanese winger na si Daizo Horikoshi sa 46th minute surge para talunin ang Maharlika.


Ang panalo ay nagbigay sa Kaya FC ng maagang tatlong puntos para manguna sa standing ng koponan.


Susubukan ng Kaya na gawin itong back-to-back wins kapag makakaharap nito ang powerhouse team na United City FC sa Marso 28.


Noong nakaraang season, walang talo ang ang kampanya ng Kaya FC upang maghari matapos talunin ang Azkals Development Team (ADT).JC

0 views0 comments